Muling nagbuga ng usok ang Bulkang Kanlaon kaninang umaga.
Sa monitoring ng phivolcs, aabot sa 300 meters ang taas ng steam-laden plumes.
Nakapagtala rin ng 104 volcano-tectonic earthquakes sa kanlurang bahagi ng bulkan.
Sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na ang mga nararanasang pagyanig ay hindi nangangahulugan na may kumikilos na magma at pahiwatig ng pagsabog ng bulkan.
Gayunman, pinayuhan ni Solidum ang mga nakatira malapit sa bulkan na huwag pumasok sa 4-kilometer radius danger zone dahil sa posibilidad na magkaroon ng steam-driven explosion.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Kanlaon.
Facebook Comments