Tradisyunal na basaan sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City, bawal muna

Mahigpit na ipagbabawal ng San Juan City Government ang tradisyunal na basaan sa gagawing taunang Wattah Wattah Festival bukas, Hunyo 24, 2020 sa kapistahan ni San Juan.

Batay sa ipinalabas na Executive Order No. 42, series of 2020 ni Mayor Francis Zamora, mahigpit na ipagbabawal muna sa lungsod ang pagsasagawa ng taunang pagsaboy ng tubig sa mga taong dumaraan para sa kapistahan ng San Juan bukas dahil sa ipinapatupad na health protocols na social distancing kasunod ng Coronavirus 2019 (COVID-19) pandemic.

Tiniyak ni Zamora na kanilang aarestuhin ang sinumang lalabag sa kanyang kautusan.


Matatandaan na tuwing sasapit ang June 24, nagkakaroon ng basaan sa lahat ng mga taong dumadaan sa San Juan City bilang pag-aalala sa kapistahan ni San Juan pero dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic ay pinagbabawalan muna ang mga ganitong okasyon.

Facebook Comments