Thursday, February 19, 2026

Bulkang Kanlaon, muling sumabog

Nagkaroon ng explosive eruption o pagsabog sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Kasalukuyan itong nagbubuga ng makapal na usok o (ash plume).

Ang pagsabog ay na-monitor ng PHIVOLCS bandang 4.42 PM.

Patuloy namang binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Kanlaon.

Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

Pinapayuhan ng PHIVOLCS ang lahat na manatiling kalmado, sundin ang mga lokal na awtoridad, at makinig lamang sa opisyal na advisory.

Facebook Comments