Saturday, January 31, 2026

Bulkang Mayon, nakapagtala ng 377 rockfall events at 47 na pyroclastic density currents sa nakalipas na 24 na oras

Sa ulat ng PHIVOLCS , nakapagtala na ang Bulkang Mayon ng 377 rockfall events, 47 na insidente ng uson o pagdausdos pyroclastic density currents at 5 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras.

Samantala ang Banaag o crater glow naman ay naoobserbahan Din. Kaugnay nito, naglabas ang bulkang Mayon ng sulfur dioxide flux na umabot sa 2,304 tonelada kada araw.

Habang ang plume o steaming ay may katamtamang pagsingaw, 100 metrong taas mula sa crater at napadpad sa hilagang kanluran at kanluran-timog kanluran.

Habang nananatili ang pamamaga ng bulkan o ground deformation sa bulkang Mayon.

Samantala, nananatili namang nasa alert level 3 ang Mayon at mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km)radius Permanent Danger Zone at pagpasok nang walang pag-iingat sa Extended Danger Zone o EDZ pati na rin ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.

Facebook Comments