Friday, March 6, 2026

BJMP, kinumpirma ang court order sa kanilang pagpapalaya kay Norman Mangusin

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang natanggap nilang court order para sa pagpapalaya kay Vlogger Norman Mangusin, alyas “Francis Leo Marcos”.

Ito ay matapos na makapagpiyansa si Mangusin para sa kasong unjust vexation na inihain ng kanyang kapwa-vlogger.

Kinumpirma ni BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera na nitong Sabado nila natanggap ang court order para sa pagpapalaya kay Mangusin.

Si Mangusin ay pinalaya mula sa Parañaque City Jail Male Dormitory kung saan siya na-detain mula sa Kampo Crame.

Facebook Comments