Bulkang Taal, hindi nakapagtala ng volcanic quake sa nakalipas na 24 oras pero Alert Level 3, mananatili!

Walang masyadong ipinapakitang aktibidad ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sa 8 A.M. bulleting ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), walang naitalang pagbuga ng abo ang bulkan maliban sa puting usok na may taas ng hanggang 1,000 metro.

Hindi rin nagkaroon ng mga pagyanig o volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag.


Sa kabila nito, mananatili ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal.

Pero ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, hindi pa tapos ang pag-aalburoto ng bulkan.

Sakali namang magtuloy-tuloy ang paghupa ng mga aktibidad ng bulkan ay posibleng sa susunod na dalawang linggo ay maibaba na ulit ang ito sa Alert Level 2.

Facebook Comments