Ilang oil companies, naglabas na ng anunsyo hinggil sa oil price hike bukas

147

Naglabas na ng anunsyo ang ilang oil companies kaugnay sa dagdag singil sa produktong petrolyo bukas, March 29.

Sa inilabas na anunsyo ng Petro Gazz, tataas ng 3.40 pesos ang kada litro ng gasoline habang nasa ₱8.65 naman kada litro ang itataas sa diesel.

Gayundin ang inanunsyo ng Pilipinas Shell kung saan nasa ₱9.40 kada litro naman ang itataas ng kerosene.


Epektibo naman ang naturang oil price hike sa Petro Gazz at Pilipinas Shell bukas alas-6:00 ng umaga.

Habang epektibo naman pagsapit ng alas-8:00 bukas ng umaga ang dagdag singgil sa Cleanfuel.

Facebook Comments