Bulkang Taal, malabong sumabog sa kabila ng sunod-sunod na phreatic eruptions – PHIVOLCS

Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko sa posibilidad na sumabog ang Bulkang Taal kasunod ng mga naitalang phreatic eruptions nitong nakalipas na mga araw.

Sa panayam ng RMN Manila, nilinaw ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na hindi nangangahulugan na magkakaroon ng malakas na pagsabog kapag may nangyayaring phreatic eruptions.

“Phreatic eruption is just when you have ground water, surface water coming into contact with volcanic materials, puwedeng mainit na mga bato o hot volcanic gases kaya nagkakaroon ng steaming so parang nagpiprito, may kumukulong oil tas lagyan ng tubig magkakaroon ng steaming, walang magma na involve.”


Batay sa latest bulletin ng PHIVOLCS, bahagyang nagkaroon ng aktibidad ang Taal kung saan nakapagtala ng dalawang volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang labing limang minuto.

Sa kabila nito, muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na huwag pumunta sa Taal Volcano Island dahil itinuturing itong Permanent Danger Zone (PDZ).

Pinayuhan din ng ahensya ang Civil Aviation Authority of the Philippines na huwag muna magpalipad malapit sa bulkan dahil posibleng magkaroon pa rin ng phreatic eruptions at magdulot ng pinsala sa mga eroplano.

Facebook Comments