Bulkang Taal, muling nagkaroon ng phreatic eruption —PHIVOLCS

Inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na nakapagtala ang Bulkang Taal ng isang minor phreatic eruption kaninang 9:14 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, dahil sa naturamg pagsabog, kasalukuyang mayroong 1,500 meters taas na volcanic plume ang napapadpad sa bahagi ng Timog-Silangan.

Paliwanag ng PHIVOLCS may kadiliman ngayon ang kalangitan malapit sa naturang bulkan.


Wala naman dapat ipangamba ang publiko dahil nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Facebook Comments