Bulkang Taal, patuloy na nagpapakita ng aktibidad sa nakalipas na 24 oras ayon sa PHIVOLCS

Nasa 13 volcanic earthquake ang naitala sa nakalipas na 24 oras sa paligid ng Bulkang Taal.

Isang mahinang steaming ang nakita mula sa main vent ng bulkan na may taas na hanggang limang metro na napapadpad sa bahaging timog kanluran.

Pero, walang dapat ipagalala ang publiko dahil normal lang ang ipinapakitang aktibidad ng Taal Volcano.


Sa kasalukuyan ay nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal at patuloy na pinapayuhan ang publiko na huwag tumuntong sa volcano island.

Facebook Comments