Bulkang Taal, patuloy pa ring aktibo sa paglabas ng sulfur dioxide ayon sa PHIVOLCS

Patuloy pa rin ang pagiging aktibo sa paglalabas ng sulfur dioxide (SO2) ng Bulkang Taal ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, umabot na sa 14,326 na tonelada ng sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan nitong June 28.

Ito ay mas mataas kumpara sa 4,771 na tonelada nitong June 27.


Samantala, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang bulkan.

Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang pagpunta ng mga residente at turista sa bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang pagsabog.

Facebook Comments