Tatlong siyudad sa Australia, isinailalim sa lockdown dahil sa banta ng Delta variant

Isinalialim sa lockdown ang tatlong siyudad sa Australia dahil sa banta ng pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Kabilang dito ang New South Wales (NSW) na capital ng Sydney, Perth na capital ng Western Australia at Queensland na capital naman ng Brisbane.

Nasa apat na araw na isasailalim sa lockdown ang Perth habang tatlong araw naman sa Queensland.


Sa ngayon, tinatayang mayroong 30,500 na kaso ng COVID-19 sa Australia kaya’t todo higpit ang gobyerno sa ipinapatupad ang lockdown, contact tracing at striktong social distancing upang malabanan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments