Bulldog mula sa Minnesota, itinanghal na pinaka-pangit na aso sa buong mundo

California – Itinanghal ngayon taon bilang pinaka-pangit na aso sa buong mundo ang isang bulldog na mula sa Minnesota.

Ang nasabing bulldog ay kinilalang si Zsa-Zsa na siyam na taong gulang pa lamang kung saan nakuha niya ang premyong $1,500.00 (P80,400.00).

Naging konsiderasyon ng mga hurado para piliin si Zsa-Zsa dahil sa pagiging normal ng sakang nitong mga binti, sungking mga ngipin at malapad at lawlaw na dila.


Ang nasabing kakaibang kompetisyon ay 30 taon nang ginagawa sa Petaluma, California na may layuning palakasin ang pet adoption at makalikom ng pondo para sa mga nasasagip na mga aso na inilalagay sa ampunan.

Facebook Comments