NO SHOW | Ellen Adarna, no show sa ikalawang pagdinig sa mga kasong kinakaharap nito

Manila, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon, muling ipinagpaliban ang preliminary investigation sa mga kasong Cybercrime at Child Abuse na kinakaharap ni Ellen Adarna na isinampa sa kaniya ng mga magulang ni Eleila Santos na pinagkamalan niyang paparazzi.

Ito ay dahil sa hindi sumipot si Ellen sa pagdinig kahapon sa Pasig City Prosecutors Office matapos na payuhan ng doktor na huwag mag-biyahe dahil sa maselan nitong pagbubuntis.

Nabatid kasi na kasalukuyang nasa Cebu si Ellen kaya at hiniling ng mga abogado nito na i-reschedule ang preliminary investigation sa July 9.


Dismayado naman ang mga magulang na sina Myra at Roel Santos na siyang dahil hanggang sa ngayon ay wala pang isinusumiteng kontra-salaysay si Ellen hinggil sa kinasasangkutang legal battle nito.

Sa ngayon, tumangging magdetalye ang kampo ni Ellen kung paano nito haharapin ang reklamo at hindi din sila nagsalita kung balak ng aktres na mag-isyu ng public apology.

Facebook Comments