BULLYING | Akmang parusa para sa isang estudyanteng bully, iginiit

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na hindi dapat palampasin at paligtasin sa kaparusahan ang mga nagsasagawa ng pambu-bully.

Pero ayon kay Pangilinan, kailangang akmang kaparusahan ang igawad para sa isang estudyante na nambu-bully base sa itinatakda ng Republic Act 10627 o Anti-Bullying Law.

Pahayag ito ni Pangilinan, kasunod ng nag-viral na video na nagpapakita ng pambu-bully at pananakit ng isang junior high school student ng Ateneo laban sa ilan niyang kapwa estudyante.


Ayon kay Pangilinan, nang mapanood niya ang video ay naalala niya noong panahon na nasa high school siya kung saan may nangyayari din na mga kaparehong insidente ng pambu-bully na kinakasangkutan ng mga estudyante.

Diin ni Pangilinan, hindi katanggap-tanggap at nakakalungkot na mula noon hanggang ngayon ay nagaganap pa rin ang bullying kaya dapat ay magtulungan ang mga magulang at guro para ito ay maresolba.

Facebook Comments