Bulto ng mga magsisiuwiang OFW para sa holiday season, inaasahang daragsa simula sa Dec. 20

Tiniyak ng Bureau of Immigration ang kahandaan nito sa inaasahang pagdagsa ng mga turista at Overseas Filipino Workers na magbabalik-bansa ngayong holiday season.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, inaasahang magsisiuwian sa Pilipinas ang mga OFW mula December 20 hanggang sa ikalawang linggo ng Enero 2023.

Kaugnay nito, tiniyak ng BI na kumpleto ang kanilang mga tauhan sa mga counter ng paliparan habang naka-standby rin ang kanilang emergency response team sakaling kailanganin.


Noong Oktubre, pumalo sa 600,000 ang tourist arrival sa bansa na mas mataas mula sa 100,000 na naitala noong October 2021.

Karamihan sa mga dumating ay mga balikbayan mula sa Amerika.

Ayon kay Sandoval, senyales din ito ng unti-unting pagbangon ng sektor ng turismo matapos ang naging epekto ng pandemya.

Facebook Comments