Integridad ng Senado, bumabagsak na dahil sa pagtuon sa “PDEA Leaks”

Para kay Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, bumabagsak na ang integridad ng Senado.

Sabi ni Adiong, ito ay dahil sa patuloy na pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa “Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa iligal na droga.

Para kay Adiong mistulang “smear campaign” o paninira ng reputasyon ang imbestigasyon ng Senado sa mga isiniwalat ng dating PDEA agent na si Jonathan Morales.


Naniniwala si Adiong na walang patutunguhan ang imbestigasyon ng Senado.

Facebook Comments