Manila, Philippines – Tila wala umanong senyales na bababa ang inflation rate sa huling quarter ng taong 2018.
Kasunod ito ng pagpalo ng inflation rate sa bansa sa 6.7 percent nitong Setyembre.
Matatandaang sinabi ng mga economic manager ng gobyerno na sa third quarter ng 2018 maitatala ang pinakamataas na inflation rate.
Pero duda rito si UP School of Economics Prof. JC Punongbayan.
Aniya – posibleng mas tumaas pa nga ang presyo ng langis sa world market dahil na rin sa nararanasang political crisis sa mga bansa na pangunahing oil producers gaya ng Iran, Venezuela at Libya.
Sa lahat ng ASEAN countries, nabatid na Pilipinas ang pinakaumaasa sa langis na pino-produce ng ibang bansa.
Dahil dito, dapat aniyang tingnan ng gobyerno ang iba pang polisiya na makapagpapababa sa presyo ng mga produktong petrolyo.