BUMABA | Insidente ng child abuse, bumaba ngayong taon – PNP

Manila, Philippines – Bumaba ang naitalang insidente ng pang-aabuso sa mga bata ngayong taon.

Sa datos ng Philippines National Police (PNP), umabot na sa 14,747 kaso ng child abuse ang naitala ngayong taon.

Mababa ito kumpara sa 29,727 noong nakaraang taon.


Ayon kay PNP Women and Children Protection Division, Senior Superintendent Gemma Vinluan –physical, psychological at sexual abuse ang pangunahing nagiging dahilan at nararanasan ito kadalasan sa tahanan.

Sa pinakamaraming kasong naitala patungkol sa child abuse ay isang porsyento lamang dito ang naire-report sa mga awtoridad dahil sa kawalan ng kamalayan ng mga bata sa kanilang mga karapatan.

Kahirapan din ang kanilang nakikitang dahilan kung saan dahil hindi natutugunan ang pangangailangan ng pamilya, ang mga bata ang labis na naaapektuhan.

Ito rin ang dahilan kung bakit nabibiktima ang mga bata ng child labor.

Dahil dito, patuloy na isinusulong ng gobyerno ang mga programa na magbibigay proteksyon at karapatan sa mga bata.

Kabilang sa mga ito ay national curfew system, anti-street harassment, anti-online harassment, at end child marriage bill.

Facebook Comments