BUMABA | Kaso ng Dengue sa unang 5 buwan ng 2018, mas mababa kumpara noong 2017

Manila, Philippines – Mas mababa ng 7% ang 37, 959 kaso ng Dengue na naitala sa bansa simula January 1 hanggang May 26 ngayong taon, kung ikukumpara sa 40, 993 sa kaparehong buwan noong 2017.

Karamihan sa mga dinapuan ng Dengue ay naitala sa National Capital Region. Habang 52% sa kabuuang bilang ng kasong ito ay nagmula sa mga kabataan na nasa edad 10-14 years old.

Nasa 195 pasyente naman ang nasawi.


Kaugnay nito, muli namang nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III, sa publiko na pagigtingin ang 4S strategy ng DOH kontra Dengue o ang:

1.) Search and Destroy mosquito breeding.
2.) Secure self protection.
3.) Support fogging/ spraying only in hotspots areas.
4.) Seek early consultation. (Kapag kinakitaan na ng sintomas ng Dengue)

Facebook Comments