Manila, Philippines – Bumaba ng 24% ang bilang ng kaso ng rape sa loob lamang ng isang taon.
Ayon kay PNP Spokesman, Senior Superintendent Benigno Durana, mula sa 9,204 cases mula July 2016 hanggang June 2017, bumaba ito ng 6,999 cases mula July 2017 hanggang nitong Hunyo.
Dagdag pa ni Durana, bukas ang PNP sa suhestyon ni Senadora Risa Hontiveros at iba pang women groups na rebisahin at i-update ang anti-rape tips ng PNP.
Aniya, ang update rape prevention guidelines ay mahalaga hindi lamang sa mga kababaihan, para na rin sa mga kalalakihan.
Inilabas ng PNP ang kanilang datos matapos umani ng samu’t-saring batikos sa social media ang anti-rape tips ng Angono Municipal Police Station.
Facebook Comments