HALALAN | P-Duterte, naniniwalang hindi tatakbo sa pagkasenador si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa pagkasenador ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa pagpupulong ni Duterte sa Mindanao local executives, sinabi ng punong ehekutibo na huwag paniwalaan ang mga ulat na tatakbo sa Senado.

Tulad aniya niya, ‘shaking the tree’ lamang ang ginagawa ni Inday Sara.


Matatandaang nakapasok sa magic 12 senatorial bets si Mayor Duterte para sa 2019 elections sa mga nagdaang surveys.

Facebook Comments