Manila, Philippines – Bumaba ng 11.7 percent ang naitalang kaso ng krimen sa Quezon City sa unang quarter ng 2018.
Base sa datos ng Quezon City Police District (QCPD) mula July 2016 hanggang March 2018, naibaba sa 10, 032 ang index crime sa lungsod mula sa 18, 780 na naitala noong October 2014 hanggang June 2016.
Kabilang rito ang kaso ng pagnanakaw na naibaba sa 4, 155 mula sa 8, 477 noong 4th quarter ng 2017.
Ang rape, naibaba sa 405 mula sa dating 512 habang ang robbery, naibaba sa 1, 931.
Pero tumaas naman ang sa 594 ang kaso ng murder mula sa 366.
Ayon sa QCPD, malaking tulong sa pagbaba ng index crime sa lungsod ang pinaigting na police visibility at kooperasyon ng publiko sa mga pulis.
Facebook Comments