PINAG-IINGAT | Outlaw motorcycle gang mula Australia, nakapasok na sa bansa ayon sa PNP-HPG

Manila, Philippines – Nakapasok na sa bansa, partikular sa Cebu ang isang outlaw motorcycle gang mula sa Australia.

Ayon sa PNP-Highway Patrol Group, kabilang rito ang mga motorcycle gang na “Hell Angel” at “Bandidos” na umano ay sangkot sa mga krimeng gaya ng pangongotong, trafficking, prostitution at gun running.

Layon umano nito na makapasok sa mga motorcycle clubs sa Pilipinas saka sila hihikayatin na mag-operate nang iligal.


Ayon naman kay PNP-HPG Director Police Chief Superintendent Arnel Escobal, bagama’t nakapasok na sa Cebu, hindi pa umano sila nakakagalaw para simulan ang kanilang iligal na aktibidad.

Patuloy naman ang ginagawang surveillance at information gathering ng pulisya para maaresto ang mga suspek.

Facebook Comments