Bumagal na inflation rate, patunay na epektibo ang mga hakbang administrasyon

Malinaw para kay House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co na epektibo ang mga hakbang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para mapababa ang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Co, patunay nito ang inflation rate nitong Setyembre na pumalo sa 1.9% na pinakamababa sa loob ng apat na taon base sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Co, nagpatatag sa suplay at presyo ng mga bilhin ang mahusay na whole-of-government approach ng Marcos administration kasama ang pagtapyas sa taripa sa imported na bigas.


Binanggit din ni Co ang pagprayoridad ni PBBM na makamit ang seguridad sa pagkain, masuportahan ang ating mga magsasaka, at mapag-ibayo ang produksyon sa sektor ng agrikultura.

Suportado rin ni Co ang hirit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na dagdag na pamumuhunan sa agricultural infrastructure upang mapa-igting ang irrigation systems, magkapagtayo ng sapat na post-harvest facilities, at mabigyan ng access ang mga magsasaka sa de-kalidad na binhi at modernong teknolohiya.

Facebook Comments