Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi man brand new ay maayos ang kondisyon ng bumagsak na C-130 aircraft sa Sulu noong Linggo kung saan 50 indibidwal ang nasawi.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, mayroon pang 11,000 flying hours na natitira ang C-130 – 5125 bago ang maintenance nito.
Dumating aniya sa Pilipinas ang C-130 – 5125 noong Enero 29.
Isa rin aniya ito sa dalawang C-130H aircraft na ipinagkaloob ng gobyerno ng Amerika.
Facebook Comments