Bumagsak na FA-50 fighter jet, hindi nakitaan ng mechanical failure

Natapos na ang imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbagsak ng FA-50 fighter jet sa Mt. Kalatungan, Bukidnon noong March 4, kung saan nasawi ang dalawang piloto.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, walang nakitang technical o mechanical failure sa eroplano.

Sa halip, itinuro ang environmental factors, gaya ng panganib ng night flying at ang bulubunduking terrain, bilang dahilan ng trahedya.


Dagdag pa rito ang operational risks na kaakibat ng multi-aircraft combat mission.

Kasunod nito, tiniyak ng PAF na mas paiigtingin pa nila ang safety protocols sa mga susunod na operasyon.

Facebook Comments