Pag-imbita ng maraming law expert sa pagdinig sa Senado kaugnay sa pag-aresto kay FPRRD, inirekomenda ng Palasyo

Pinayuhan ng Malacañang si Senator Imee Marcos na mag-imbita ng mga international law experts sa ikatlong pagdinig ng Senado hinggil sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung isang eksperto lang kasi ang maririnig ni Senador Imee, hindi nito mababalanse ang pang-unawa sa usapin at maaaring magdulot lamang ng kalituhan.

Makakatulong aniya ito para marinig ni Senator Imee ang ibang opinyon para mas maging malinaw ang kanyang pag-unawa sa isyu.

Dagdag pa ni Castro, posibleng hindi na niya kailanganin ang mga miyembro ng gabinete ng pangulo para makapagbalangkas ng batas.

Pero paglilinaw ni Castro, ito ay suhestiyon lamang at hindi utos.

Facebook Comments