Bumagsak na helicopter ng Philippine Air Force na ikinasawi ng 6 na sakay, nagsasagawa ng night flight proficiency training

Tatlong piloto at tatlong crew members ang nasawi sa pagbagsak kahapon ng isang S-70i Black Hawk Utility Helicopter ng Philippine Air Force (PAF) sa Capas, Tarlac.

Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, isang night flight proficiency training ang ginagawa ng mga sakay ng helicopter bago sana sila ipadala sa kanilang mga misyon.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang air force para matukoy ang sanhi ng aksidente habang hindi na rin muna pinapayagan ang paglipad ng ilan pang Black Hawk helicopters.


Nagpaabot na rin ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pamilya ng anim na nasawi.

Facebook Comments