Manila, Philippines – Bumaba ang ranggo ng Pilipinas sa World Competitiveness yearbook ng International Institute Management Development.
Mula sa ika-41 na pwesto noong nakaraang taon, nalaglag ang Pilipinas sa ika-50 sa 63 bansa sa economic competitiveness.
Base sa report – nalaglag ang bansa sa apat na pinakamalalaking kategorya na kinabibilangan ng economic performance, government efficiency, business efficiency at infrastructure.
Ito na ang pinakamalalang ranggo ng Pilipinas sa nakalipas na sampung taon.
Pasok pa rin sa top 5 ang mga nangunguna noong nakaraang taon na kinabibilangan ng Estados Unidos, Hong Kong, Singapore, Netherlands at Switzerland.
Sa Asia-Pacific ay bumaba rin ang ranggo ng Pilipinas sa ika-13 mula sa ika-11 noong 2017.
Pinakamalaki ang naging pagbaba ng Pilipinas dahil sa pagbagsak ng turismo at kawalan ng trabaho; paglala ng public finances; problema sa sistemang pang-edukasyon at iba pa.