BUMALIK | Iligal na nakatira sa loob ng sementeryo sa Maynila, nagbalikan na

37

Manila, Philippines – Nagsisibalikan na sa loob ng sementeryo ang mga pamilya na iligal na nakatira sa loob ng Manila North Cemetery.

Sa pinakahuling datus nitong 2017, nasa 10,000 ang nakatira sa loob ng nasabing sementeryo na may lawak na 54 na ektarya.

Ayon kay Sara Naco na bagong panganak lang, 3 taon na sila nakatira dito matapos mapangasawa ang isa sa mga residente.

Nagsisilbi silang caretaker ng mga pontod, walang regular na sahod pero inaabutan ng pera ng mga bumibisita.

Nagsisilbi rin silang guide sa araw ng Undas at nagtitinda ng bulaklak at kandila.

Sa ngayon, makikita sa paligid ng mausoleo ang mga damit na nakasampay, may mga gamit pang luto, habang yung ilan naman tulog sa mismong himlayan ng mga patay.

Facebook Comments