TIMBOG | 7 arestado sa QC dahil sa iligal na droga

Quezon City – Arestado ang pitong indibidwal sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation na isinagawa sa lungsod ng Quezon.

Ang unang operasyon ay naganap sa E. Rodriguez Sr. Avenue, kung saan dinampot ang apat na indibidwal kabilang ang dalawang menor de edad. Matagal nang sumasailalim sa surveillance ang mga ito, bago ikinasa ng mga tauhan ng QCPD ang operasyon.

Nakuha mula dito ang dalawang bulto ng marijuana at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.


Tatlong indibidwal naman ang naaresto sa Cubao, kung saan nasa 18 sachet naman ng hinihinalang shabu ang na-recover mula sa mga suspect.

Hinahainan na ng kaukulang kaso ang mga suspect na may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments