Bumaliktad na kuliglig sa Cabagan, Isabela, Buntis Patay, 12 Sugatan!

*Cabagan, Isabela-* Patay ang isang buntis habang sugatan ang labing isang katao sa naganap na aksidente bandang alas singko y medya kaninang umaga sa National Highway ng Brgy. Garita, Cabagan, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Noel Magbitang, hepe ng PNP Cabagan na Dead on Arrival ang buntis na si Josefa Bautista habang sugatan sina James Bautista, Jesus Bautista, Genalyn Abellon, Lenie Panganiban, Melisa Bautista, Marvin Bautista, Vinia Palingayan, Paul Palingayan, Victor Palingayan, Hermenia Palingayan, Ronald Palingayan at ang studyanteng drayber ng kuliglig na si Ariel Pagurayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cabagan, binabaybay umano ng mga biktima ang kahabaan ng pambansang lansangan ng brgy. Garita patungong brgy. Masipi upang mag-ani ng mais nang bigla umanong hindi nakontrol ng drayber ang manibela ng minamanehong kuliglig.


Bumaliktad umano at nagpagulong gulong ang kuliglig na ikinasawi ni Josefa Bautista at ikinasugat naman ng labing isang katao.

Sa ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan ang mga sugatan habang patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng kapulisan hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments