BUMANAT | Mga tiwaling opisyal ng gobyerno, nararapat lang na pagsasampalin – PRRD

Pasig City – Muling nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na magsumbong sa kaniya kung may magtatangkang mangikil na opisyal na gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa brand launching ng Guangzhou Automobile Corporation (GAC) sa Pasig City, sinabi ng Pangulo na bukas ang kanyang opisina bente kuwatro oras para pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Sinabi ng Pangulo na mas maganda kung sasampalin ng isang dosena beses sa kaniyang harapan ang mga opisyal na dawit sa korapsyon.


Nanindigan ang Pangulo na hindi aasenso ang bansa kapag hindi napigilan ganitong kalakaran.

Facebook Comments