THIRD PARTY? | Arjo Atayde at girlfriend nito, hiwalay na daw

97

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Girltrends member na si Sammie Rimando na hiwalay na sila ng aktor na si Arjo Atyade matapos ang kumalat na tsismis na dine-date daw nito si Maine Mendoza.

Say ni Sammie, naging maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay kung saan uunahin muna daw nila ang kani-kanilang career.

Dagdag pa niya, wala daw siyang sama ng loob kay Arjo at paminsan-minsan naman daw ay nagkakaroon sila ng communication pero hindi na tulad ng dati.

Mas ginusto naman ni Sammi na manahimik na lamang nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya sa pagiging close ngayon ng dating boyfriend kay Maine.

Facebook Comments