BUMILIB | PRRD humanga sa ginawang demonstration ng Israeli rescue

193

Israel – Nabilib si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinamalas na bilis at husay ng Israel rescue teams ng Magen David Adom o MDA sa kanilang ginawang terror attack rescue demonstration na ipinakita kay Pangulong Duterte at sa kanyang delegasyon ito sa Israel.

Ayon kay Pangulong Duterte, ang ginawang demonstration ay nasa oras at maayos ang pagkaka-execute ng mga kailangang gawin sa oras ng emergency.

Ipinakita aniya sa demonstration ang kanilang efficiency sa mga sitwasyon na kailangan ng rescue na isang produkto din aniya nga pinagsama-samang practices sa rescue operation.

Sinabi ng Pangulo na maraming terror attack ang nangyayari sa ibat-ibang bahagi ng mundo at dalawa aniya ang nangyari sa Mindanao at inaasahan aniya niya na may mga susunod pa.

Pero sinabi ng Pangulo na sigurado na ang Israeli government ay handang tumulong sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Sa ginawang demonstration ay ipinakita ng mga rescuer ang mga makabagong kagamitan at ang kanilang mga istilo sa pagbibigay lunas sa mga nasaktan sa emergency at mga protocols na kailangang gawin sa isang terror attack situation.

Facebook Comments