BUMISITA | Pangulong Duterte, binisita ang Japanese naval vessels na dumaong sa Subic Bay Port

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Japanese Naval Vessel na dumaong sa Subic Port.

Magkakaroon ng limang araw na goodwill visit sa Pilipinas ang Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) Flotilla JS Kaga.

Inilibot si Pangulong Duterte kasama si Defense Sec. Delfin Lorenzana ng mga Japanese defense officials sa barko.


Bukod sa JS Kaga, kasama rin sa goodwill visit ang Akizuki-class destroyer JS Suzutsuki at ang Murasame-Class Destroyer JS Inazuma na mananatili sa bansa hanggang Miyerkules, Setyembre a-5.

Ang bumisitang Naval Flotilla, ay mayroong 850 tauhan na pinamumunuan ni Rear Admiral Tatsuya Fukuda.

Facebook Comments