Director at cast ng “Bliss”, ikinatuwa ang pagbabago ng desisyon ng MTRCB sa ratings ng kanilang pelikula

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng director at ng mga cast ang naging desisyon ng MTRCB (Movie and Television Review and ClassificationBoard) hinggil sa evaluation ng pelikulang Bliss.
Nabatid kasi na unang binigyan ng x-rating ang nasabing pelikula pero matapos umapela sa MTRCB, r-18 without cuts na lamang ang psycho-thriller film.
Tila nabunutan naman daw ng tinik ang director na si Jerold Tayog sa desisyon kaya’t mapapanood na daw ito sa may-10 sa ilang mga sinehan.
Maging ang lead actress na si Iza ay ikinatuwa ang nasabing desisyon ng MTRCB kaya’t sigurado daw na magugustuhan ng mga pinoy ang kanilang pelikula.
Samantla, kinumpirma ng handler ni Charice Pempengco nasi Carl Cabral na hiwalay na ang kaniyang alaga sa live-in partner nito na si Alyssa Quijano matapos ang halos apat na taon.
Dagdad pa ni Cabral, hindi na muna magsasalita si Charice at kasalukuyang itong nasa Laguna para magpahinga kung saan masaya naman daw ito sa nangyari.

Facebook Comments