Manila, Philippines – Bumagsak ng dalawang pwesto ang Manila sa listahan ng
mga lungsod sa buong mundo na nagbibigay ng magandang kalidad ng buhay.
Batay sa quality of living survey ng consulting firm na mercer mula sa 135
pwesto ay nasa 137 na ang kabisera ng Pilipinas.
Sa siyang na magkakasunod na taon, namamayagpag sa unang pwesto ang
Austrian capital na Vienna, sumunod ang Zurich, Switzerland at ika-apat ang
Munich, Germany.
Ang Baghdad, Iraq naman ang nanatiling bansang may malalang kalidad ng
buhay sa buong mundo.
Ang 2018 quality of living survey ay sakop ang 231 world cities kung saan
ang mga criteria ay ang political stability, healthcare, education, crime,
recreation at transport.
Facebook Comments