SUMUKO NA | DND, nanawagan sa mga lider at miyembro ng NPA na magbalik loob na sa gobyerno

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of National Defense (DND) sa
mga lider at miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko at magbalik loob
sa gobyerno.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – wala nang saysay kung
ipagpapatuloy pa nila ang kanilang ipinaglalaban.

Bumaba na aniya mula sa mga kabundukan at samahan ang kanilang pamilya para
sa maayos na buhay.


Panawagan pa ng kalihim sa mga komunista na huwag nang sirain ang
kapayapaan at kaularan at tumulong na lang para itatag ang magandang
Pilipinas.

Facebook Comments