Manila, Philippines – Bumuwelta sa militar si Justice Secretary Menardo Guevarra kasunod ng akusasyon ng AFP na napasok na ng New People’s Army (NPA) ang Department of Justice (DOJ).
Partikular na tinukoy ni Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., AFP Deputy Chief of Staff for Operations na maraming kaso laban sa mga rebeldeng komunista ang mabilis na nababasura ng mga piskal ng DOJ.
Ayon kay Guevarra, dapat maglabas ang militar ng detalyadong impormasyon at kung aling prosecution offices ang nag-dismiss.
Dapat din aniyang tukuyin ni Parlade kung sinu-sino ang mga respondents sa mga nabasurang kaso at kung anong mga ebidensya ang naihain sa DOJ.
Inihayag din Guevarra ang salitang ‘infiltrate’ na ginamit ni Parlade ay mabigat at marami itong kahulugan.
Facebook Comments