BUMWELTA | Blogger-TV host na sinasabing nagpapakalat ng fake news ng LTFRB, pumalag

Manila, Philippines – Binuweltahan ng blogger-TV host na si James Deakin si LTFRB Spokesperson Aileen Lizada matapos itong pagsabihan na nagpapakalat ng fake news sa Social Media tungkol sa bagong guidelines para sa transport network vehicle services.

Batay sa post ni Deakin, sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular (MC) No. ‎2017-027 , ang TNVS operators, kabilang na ang nasa single unit, ay kinakailangan na may permanenteng service area at mekaniko, may stock ng lubricants, spare tires, gayundin ng repair and maintenance tools; CCTV sa garage/workshop; at may naitalaga din na safety officer at helper.

Kinontra naman ito ni Lizada sa pagsabing ang mga requirements na binanggit ni Deakin sa post niya ay patungkol lamang sa mga vehicles bilang fleet at hindi nito sakop ang transport network companies na Grab, Uber and U-Hop.


Hindi na aniya ito kailangan ng mga TNVS operators dahil hindi naman sila magmimintini ng fleet ng sasakyan dahil limitado na lamang sila sa tatlong vehicles.

Ayon kay Deakin, hindi sumasagot si Lizada nang humihingi siya ng paglilinaw sa usapin.

Ang legal team pa ng Grab ang kinailangang mag interpret sa MC ng LTFRB. At nang naka upload na ng ilang araw ang video, nanahimik pa rin si Lizada.

Facebook Comments