Manila, Philippines – Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang kaparian na nangungulimbat ng donasyon para pakainin ang kanilang pamilya.
Ito ang panibagong banat ng Pangulo kasabay ng paniniwalang may ilang pari ang nag-asawa pa rin sa kabila ng Oath of Celibacy.
Binanggit ng Pangulo ang isang nagngangalang ‘David’ na nagkasala sa ilang turo ng simbahang Katolika.
Kaya iminungkahi ng Pangulo na payagan nang magpakasal ang mga pari.
Matatandaang bumuo ang Pangulo ng four-man panel para makipagdayalogo sa simbahang Katolika at iba pang religious group kasunod pahayag nito tungkol sa diyos, bible at konsepto ng original sin.
Nitong Hulyo, nakipagkita si Duterte kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, Davao Archbishop Romulo Valles at nangakong titigilan na nito ang pagbanat sa simbahan at sa mga lider nito.