BUMWELTA | Ocampo, hinamon si Albayalde na patunayan na ginawang pang-rebelde ang pambansang awit

Makaraang pansamantalang makalaya, bumwelta ngayon si dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo sa pambansang pulisya.

Hinamon ni Ka Satur si PNP Chief Oscar Albayalde na magpakita ng ebidensya sa ginawang kantang pang-rebelde ang pambansang awit sa mga eskwelahan ng mga Lumad sa Davao del Norte.

Ginawa ni Ocampo ang pahayag matapos dumating kanina sa Bayan Muna Headquarters sa Quezon City makaraan ang ilang araw na pagkaditine sa PNP Talaingod sa Davao del Norte.


Hindi na nagtataka pa si Ocampo na ganito ang lumilitaw na mga paratang dahil target na umano ng militar ang mga Lumad schools bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa problema sa insurhensiya.

Magugunita na may ilang estudyanteng Lumad ang lumuwas sa Maynila na nagbigay ng patotoo kung paanong tinuturuan sila ng mga kaguruan ng salugpungan ng pandiwang mapanghimagsik laban sa gobyerno.

Mismong inawit pa nila ang bersyon ng pambansang awit na itinuturo umano sa mga eskwelahan ng Lumad.

Facebook Comments