Manila, Philippines – Pumalag ang Malacañang sa sinabi ng Australian missionary na si Sister Patrcia Fox na “reign of terror” o paghahari ng karahasan ang anti-drug war ng Duterte Administration.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay halimbawa ng isang inggratang turistang walang nakitang maganda at puro reklamo sa bansang mainit na tumanggap noon sa kanya.
Aniya, walang paghahari ng karahasan sa bansa at sa halip paghahari ng takot sa puso at isipan ng mga lumalabag sa batas ang nangyayari.
Kasabay nito, iginiit ni Panelo na patuloy na sinusunod ng Duterte Administration ang rule of law at ipinatutupad ng Pangulo ang batas sinuman ang sangkot alinsunod sa mandato ng saligang batas.
Facebook Comments