NILINAW | DOTr, klinaro na libre ang terminal fee sa PITX

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na walang babayarang terminal fee ang mga pasahero na gagamit ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon kay Transportation Undersecretary Mark De Leon, libre ang paggamit ng mga pasahero sa nasabing terminal sa kabila ng maka-bagong disenyo at istilo nito.

Kaugnay nito, hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamangha sa modernong landport na itinayo ng DOTr bilang bahagi ng build, build, build program.


Inatasan ng Pangulo ang DOTr na siguruhin ang road worthiness ng lahat ng sasakyan sa PITX para sa kapakanan ng mga pasahero.

Facebook Comments