Manila, Philippines – Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ang kanyang grupo dahil nilalagay nito sa panganib ang buhay ng ilang kabataan.
Matatandaang nahuli ang tinaguriang ‘Talaingod 18’ sa isang police checkpoint kung saan nadiskubre na may mga dala itong mga bata na karamihan ay menor de edad.
Ayon sa Pangulo – maaring may mabuting intensyon ang grupo nina Ocampo subalit maituturing itong kriminal na hakbang lalo at sinubukang idala sa ibang lugar ang mga bata na walang permiso mula sa magulang.
Inakusahan din ni Duterte ang Bayan Muna at iba pang grupo gaya ng Gabriela bilang front ng Communist Party of the Philippines (CPP) na layuning pabagsakin ang pamahalaan.
Facebook Comments