BUMWELTA | Queen of All Media Kris Aquino, pinalagan ang pagpost ni Presidential Communications Asec. Mocha Uson

Manila, Philippines – Sinupalpal ni Queen of All Media Kris Aquino si Presidential Communications Assistant Mocha Uson.

Ito ay matapos i-share ni Uson sa kanyang facebook page na Mocha Uson Blog ang video ng ama ni Kris na si dating Senador Ninoy Aquino na nakatanggap ng halik mula sa dalawang babae bago siya mapatay noong August 21, 1983.

Ikinumpara ni Uson ang video sa kontroberysal na halik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa South Korea.


Sa simultaneous facebook at instagram live video, sinabi ni Kris na bumalik sa kanya ang mga ala-alang hindi niya kapiling ang kanyang ama sa huling sandali nito.

Iginiit pa ni Kris, binalahura ni Uson ang pagkatao ng kanyang pamilya.

Bilang anak, buong ipagtatanggol ni Kris ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga magulang.

Facebook Comments