NANINDIGAN | Pangulong Duterte, nanindigang walang malisya ang paghalik niya sa isang OFW

Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang nakikitang mali sa ginawa niyang paghalik sa isang OFW sa South Korea.

Sa kanyang arrival press briefing, sinabi ng Pangulo, ganito lamang talaga ang kanyang estilo at wala itong halong malisya.

Sinabi pa ng Pangulo, pansamantalang mananatili siya sa Maynila dahil batid niyang pagsasabihan siya ng kanyang anak na si Veronica ‘Kitty’.


Handa namang magbitiw ang Pangulo kung ang lahat ng kababaihan ay magpepetisyon dahil sa kanyang inasal.

Facebook Comments