BUMWELTA | Sen. Trillanes, hinamon si PRRD

1002

Manila, Philippines – Hinamon ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na direktang ipag-utos ang pag-aresto sa kaniya.

Giit ni Trillanes, kapag nagawa ito ng Pangulo ay kusang loob siyang sasama sa mga arresting officer.

Kasabay nito, umapela si Trillanes sa AFP at PNP na huwag magpagamit para gipitin siya.

Aniya, batid naman ng mga sundalo at pulis kung ano ang tama at mali

Bagaman marami siyang kakilala sa serbisyo, sinabi ni Trillanes na hinding-hindi siya gagamit ng impluwensya.

Facebook Comments